-- Advertisements --

Kinontra ni Manila Representative Joel Chua ang isang survey na nagsasabing halos kalahati ng mga Pilipino ang hindi pabor sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Chua mayroon ding survey na inilabas na nagsasaad na 73 percent ang naniniwalang dapat humarap sa impeachment trial si VP Sara.

Maging sa pag-iikot sa mga distrito ay ramdam umano ng isa sa House prosecutors ang sentimiyento ng mamamayan na sang-ayon sila sa impeachment proceedings.

Gayunman, ipinunto ni Chua na hindi dapat ito ang maging basehan ng senator-judges kundi ang merito ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Dagdag pa ni Chua na masyado pa aniyang maaga para sabihing dapat na i-convict si Duterte lalo na kung survey ang pagbabasehan.
Dagdag pa ng kongresista, hindi nakasalalay sa survey ang proseso dahil responsibilidad ng Kongreso na aksyunan ang impeachment.