Kinumpirma ni House Blue Ribbon Committee Chairman Manila Rep. Joel Chua na walang rekord ang aabot sa 405 pangalan mula sa 677 pangalang sinasabing nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang inanunsyo ni Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa kaniyang opening statement.
Ayon kay Chua ito ay batay sa sertipikasyon ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Sinabi ng kongresista, base sa tugon ng PSA sa sulat ng komite, walang “birth certificate” o masasabing non-existent ang 405 na mga pangalan.
Una nang sinabi ng PSA na walang rekord sa civil registry ang Mary Grace Piattos na nakita ang pangalan acknowledgment receipts o Ars ng Office of the Vice President o OVP.
Gayundin ang Kokoy Villamin, na kapwa nakita ang pangalan sa AR ng OVP at Department of Education.
Nilinaw naman ni Chua na ang isyu lamang CIF ang kanilang tinatapos.
Aniya, may mga isyu pa nakatakdang talakayin ng Komite na magsisimula sa susunod na taon.