-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Idineklarang persona non grata ng isang grupo ng mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICC/IP) mula sa Surigao del Sur si Bayan Muna partylist Representative Eufemia Cullamat base sa inilabas nilang joint resolution na nananawagan din para sa pagpapa-alis sa kanya sa pwesto.

Inanunsyo ng Provincial Tribal Council (PTC), na kinabibilangan ng mga tribung Manobo, Mandaya at Mamanwa ICC/IP, sa ginanap na tagged virtual media briefing ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na idinideklara nilang persona non grata ang kongresista sa kanilang mga ancestral domains.

Ayon kay Datu Rico Maca, ang Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representative sa bayan ng San Miguel at dating municipal tribal chieftain, umabot sa 126 na mga IP tribes sa buong bansa ang sumuporta sa naturang resolusyon.

Hindi aniya welcome sa kanilang ancestral domain si Cullamat sa dahilang siya mismo ang banta sa kinabukasan ng kanilang mga kabataan.

Dagdag pa nito na maraming tribal leaders at miyembro ng kanilang mga tribu ang pinapatay ngunit ang hinahapan lamang ng hustisya ni Cullamat ay iyon lamang mga sumusuporta raw sa New People’s Army (NPA).

Nakasaad din sa resolusyon na ginagamit lamang ni Cullamat ang kanyang posisyon upang makuha ang kanyang interest pati na ang interest ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA).

Ayon pa sa PTC, hindi dapat irekognisa ng Kongreso ang claim ni Cullamat bilang representante ng ICC/IP sa Caraga, partikular sa Surigao del Sur, at dapat i-disqualify siya.

Ang natura ring resolusyon ay nagdeklara ng kanilang suporta ngadto kina National Commission on Indigenous Peoples Chair Secretary Allen Capuyan at Regional Director Atty. Marlon Bosantog, na syang nagsisikap upang ma-promote ang karapatan at kapakanan ng mga ICCs/IPs.