-- Advertisements --

Pinuna ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang naging rekomendasyon ng quad committee ng House of Representative na imbestigahan siyang mabuti dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Sinabi nito na handa itong humarap sa mas komprehensibong imbestigasyon at hindi sa mga nag-iimbestiga na naniniwala lamang sa mga sabi-sabi o hearsay.

Isa sa mga tinukoy nito ay pinaniwalaan agad ng quad committee ang pahayag ni dating Customs intelligence officer Jimmy Guban.

Wala aniya ito ng itinatago kaya hindi ito takot na humarap sa anumang imbestigasyon.

Dagdag pa nito na dapat ang kongreso ay tignan mabuti ang nakalista sa drug-list noong panahon ng kaniyang ama.

Marapat na maimbestigahan din nila ang kanilang miyembro na idinadawit sa nasabing iligal na droga.

Bilan paglilinis sa pangalan ay nagsampa na ito ng perjury laban kay Guban na malinaw na sinisira ang kanilang imahe.

Magugunitang ibinunyag ni Guban na sangkot sa iligal na bentahan ng droga ang mambabatas na una ng pinabulaanan ni Duterte.