-- Advertisements --

Kumpiyansa si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na siya ay mapapawalang sala sa drug case na inihain ni dating Senator Antonio Trillanes laban sa kaniya.

Binigyang-diin ni Rep. Duterte na siya ay inosente at kumpiyansa sa judicial process na ma-clear ang kaniyang pangalan.

Ngayong araw nagsampa ng kaso si Trillanes ng drug smuggling complaint laban sa mambabatas at iba pang mga indibidwal.

” I have always maintaine my innocence and I am confident that the judicial process will clear my name. It is important to rely on our legal 8institutions rather than sorting to trial by publicity or baseless allegations,” pahayag ni Rep. Duterte.

Binigyang-diin ni Duterte na hindi na siya nasupresa sa ginawa ni Trillanes dahil ito pa rin ang kahalintulad na kaso na ipinapakita ng dating senador.

Dagdag pa ni Rep. Duterte ang mga alegasyon ni Trillanes ay walang basehan.
Plano din ng mambabatas na maghain ng kasong libel laban sa dating senador.