Minamadali ngayon ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang panukalang batas na naglalayong maregulate ang paggawa, pagbebenta at pag gamit ng single-use plastic kaugnay ng paparating na Earth Day sa Abril 22.
Layunin nitong panukalang batas na mabawasan ang pag gamit single-use na plastic tulad ng utensils, straw, sachet at iba pa hanggang apat na taon at kapag nakapag adjust na ay ipagbabawal na ito.
Wala pa umanong batas na tuluyang ipinagbabawal ang pag gamit ng single-use plastic.
Ayon pa kay Rep. Duterte, naniniwala siyang kaya itong maipatupad dahil sa Davao City umano ay mayroon nang ganitong ordinansa.
Dagdag pa niya, bilang pagdiriwang ng Earth Day sa Abril 22, hinihikayat niya umano ang Kongreso na aksyunan na itong panukalang batas pati na ang mga may hawig dito upang ma phase out na ang single-use plastic na mga produkto.
Ito umano ang pinakamaraming basura na nakakadagdag sa polusyon mapa lupa man o dagat.
Kung matatandaan, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming marine plastic pollution sa kada taon.
Nasa kabuuang 60 billion plastic sachets sa kada taon umano ito at karamihan ay single-use plastic.