LAOAG CITY – Naniniwala si Ilocos Norte 1st District Rep. Rodolfo Fariñas na magagampanan lahat ni Senior Board Member Matthew Marcos Manotoc ang kanyang tungkulin bilang gobernador sa Ilocos Norte.
Sinabi ni Fariñas na naniniwala siya sa kakayahan ni Manotoc at ang tanging mensahe raw niya rito ay: ‘I wish him the best.”
Una rito, marami ang nagulat matapos nagtungo ang kongresista sa tanggapan ng Comelec para ipabatid ang kanyang pag-atras sa pagtakbo bilang gobernador ng lalawigan.
Si Manotoc, panganay na anak ni governor at senatorial candidate Imee Marcos, ang tanging makakalaban sana ni Fariñas sa nasabing posisyon.
Pero para kay Fariñas, gusto na niyang magpahinga sa politika para matutukan ang kanilang mga negosyo at mamuhay bilang pribadong indibidwal.