-- Advertisements --
LAOAG CITY – Marami ang nagulat sa pagwithraw ni Ilocos Norte 1st District Rep. Rodolfo Fariñas sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Fariñas, sinabi niya na noong una pa lang ay ayaw niyang magkandidato bilang gobernador.
Sinabi pa na may mga humikayat sa kanya noon na tumakbo bilang senador pero tumanggi siya dahil gusto na talaga niyang magpahinga sa politika.
Gayunman sa ngayon ay binibilang na lamang daw niya ang kanyang araw bilang kongresista at pagkatapos nito ay mag-enjoy na lamang siya bilang pribadong indibidwal.
Makakalaban sana ni Fariñas si Senior Board Member Matthew Marcos Manotoc, panganay na anak ni Governor at senatorial candidate Imee Marcos.