Hiniling ni ACT Teachers Party-List Representative France Castro na unahin ng kongreso ang pagtalakay sa usapin ng mababang sweldo ng mga manggawa sa pagbabalik nito ngayong 2025.
Umaasa ang naturang kongresista na mabigyang pansin ang pagbibigay ng karagdagang pasahod para sa mga nagtatrabaho.
Giit niya, kulang ang kasalukuyang pasweldo sa mga manggagawa dahil ito ay hindi na nakakasabay sa pagtaas din ng mga pangunahing bilihin.
Dagdag pa niya, sa pagpapatuloy ng mga pagdinig sa kongreso, nais niyang matutukan ng mga kumite partikular na sa House Quinta Committee ang presyo ng mga bilihin gaya ng bigas pati na rin ang kuryente, tubig at iba pa.
Kung saan, sinabi din niyang dapat mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga presyo nito lalo pa’t kung matutuklasang may pananamantala sa grupo ng mga negosyante.