-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagtutol si  ACT Teachers Party-List Rep. France Castro hinggil sa hiling na pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa fiscal year 2025 partikular sa pondo na gagamitin para sa social aid.

Paliwanag ni Castro dapat matuto na rin dahil may record na ang OVP sa maling paggamit sa confidential funds. 

Giit ni dapat masiguro na gagamitin ang public funds sa tamang programa, aniya hindi pwedeng payagan na maglaan ng hiwalay na budget para sa social services sa isang opisina na may kaduda-dudang track record.

Partikular na tinukoy ni Castro ang utos ng Commission on Audit sa Office of the Vice President na ibalik ang P73 million confidential funds na disallowed dahil sa maling paggamit.

“The COA’s findings are clear. Kung hindi kayang i-manage nang tama ang ₱73 million na confidential funds, paano natin pagkakatiwalaan ng mas malaking halaga (If the OVP cannot properly manage its P73 million confidential funds, how can we entrust them an even higher budget?)This is about protecting taxpayers’ money from potential misuse,” pahayag ni Castro.

Sa budget briefing ng OVP, sinabi ni castro na hindi nasagot ng Pangalawang pangulo kung paano ginastos ang pera ng bayan.

ipinunto ni Castro na ang budget para sa social services ay dapat idaan direkta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) imbes na ibigay ng hiwalay sa OVP.

Iminungkahi ni Castro na ang OVP gaya ng mga senators, congressmen at mga LGU officials ay makakatanggap ng alokasyon sa pamamagitan ng DSWD kung mayruon silang ispesipikong mga inisyatibo na nais gawin.

Naniniwala kasi si Castro sa pamamagitan ng ganitong paraan matitiyak na ang pondo ay nama managed ng mayos.

“As lawmakers, we are simply fulfilling our duty,” she said. “It is our responsibility to scrutinize how public funds are spent. We owe it to the Filipino people to ensure that their money is used wisely, transparently, and for their benefit, not to enrich those in power,” pahayag ni Castro.