Kinumpirma ni House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin na nakapaglagak na siya ng piyansa matapos ipaaresto ng Sandiganbayan dahil sa kasong graft at technical malversation.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang pag-realign at augmentation ng pondo ng gobyerno para sa pagbabakuna ng Dengvaxia noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan si Garin ang nagsilbing Health Secretary.
Nasa P108,000 pesos ang inilagak na piyansa ni Garin para sa pansamantalang kalayaan.
Binigyang-diin ng mambabatas na bahagi ng proseso ng pagpapatunay ng pagiging inosente ang paglalagak ng piyansa.
Naniniwala ang kongresista na isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagsisiguro ng patas na paglilitis at pagprotekta sa karapatan ng isang indibidwal.
Dagdag pa ng Ilongga lawmaker na ang nasabing kaso ay simula na sa paglilinis ng kaniyang pangalan at ng iba pang sangkot ng sa gayon makabalik na sila sa kanilang mga normal na gawain.
” Posting bail is part of the agonizing process to prove our innocence. It is a crucial step in ensuring fair trial and safeguarding one’s right,” pahayag ni Garin.
Bukod kay Garin nakapaglagak din ng piyansa ang iba pang mga doktor na sangkot din sa kaso.
Inihayag din ng mambabatas na ang isyu sa Dengvaxia ay nagdulot na pagbaba ng vaccine confidence lalo na sa neasles at polio outbreak sa bansa.
” Resolving the issue once and for all is aligned to the Doctors for Truth clamor because global history have taught us that any vaccine demonized, usually spreads to include other vaccine preventable diseases and results to outbreaks,” punto ni Garin.