-- Advertisements --

Dinipensa ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang nagging desisyon ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa pag discharged nito kay USec. Zuleika Lopez matapos sumailalim sa medical test.

Sinabi ni Garin hindi biased ang nasabing hospital kasunod ng naging pahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ayaw tumanggap ng pasyente ang St. Lukes Medical Center.

Ayon sa Doctor solon may hospital protocol kung saan ang pinaka importante at ang kaligtasan ng pasyente at ang privacy nito.

Aniya, malamang nakita ng St Lues na hindi kailangan i-admit sa hospital si Atty, Lopez at hindi pangkaraniwan ang sitwasyon Lopez dahil sasamahan siya ng Vice President na maituturing na security nightmare.

Paliwanag pa ni Garin na mahirap para sa ibang pasyente kung manatili sa St Lukes Medical Center si Lopez lalo na at buhos ang magiging seguridad dahil nanduon si VP Sara, Senators Bato Dela Rosa at Bong Go.

Si Lopez ay pinatawan ng contempt ng Blue Ribbon Committee dahil sa pagsisinungaling.

Sa ngayon naka confine pa sa Veterans Memorial Medical Center si Lopez.