-- Advertisements --

“Very proud” si dating Health Secretary at ngayon re-elected Iloilo 1st District Representative Janette Garin sa pagtalaga kay USec Maria Rosario Vergeire bilang officer in charge ng Department of Health (DOH).

Sa isang stement sinabi ni Garin na kumpiyansa siya na nasa mabuting kalagayan ang DOH ngayong si Vergeire ang mamumuno.

Giit na Cong. Garin na kaniyang naka trabaho si Vergeire at talagang nagsimula ito sa baba hanggang umangat ito dahil isa itong magaling na opisyal.

Aniya personal niyang kinuha si Vergeire nuon ng isinagawa nila ang paglilinis o cleansing sa FDA at bumuo ng mga sistema sa ilalim ng DOH operations.

Nakita din ng mga nagdaang kalihim ng DOH ang kahalagahan ni Vergeire.

Ngayon, dapat magsikap ang lahat para magtrabaho at i-immobilize/paralisahin ang hindi-nakikitang kaaway- ang COVID 19 habang sabay-sabay na dinadamdam ang iba pang mga problema sa kalusugan ng publiko na nakakaapekto sa ating bansa.

Si Garin ang DOH chief sa panahon ng namayapang dating President Benigno Aquino III.