-- Advertisements --

ROXAS CITY – Posible umanong maging minority floor leader si Albay Rep. Edcel Lagman, matapos magdesisyon na manatili sa oposisyon.

Ayon kay Capiz 1st District Cong. Emmanuel Billones Sr., sa kabila na nagdesisyon na ang Liberal Party na sumama sa super majority sa Kongreso ay nanindigan pa rin si Lagman na mananatili ito sa oposisyon at hindi kailanman sasama sa administrasyon.

Dahil dito ay naniniwala ang kongresista na malaki ang posibilidad na si Lagman ang magiging minority leader.

Samantala naniniwala pa ang kongresista kung hindi lamang nakialam si President Rodrigo Duterte sa house speakership post may posibilidad na maging House Speaker si Congressman Martin Romualdez ng Leyte.

Ayon kay Billones na maraming partido sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nagpahayag ng suporta sa kongresista, katulad na lamang ni Rep. Gloria Macapagal Arroyo, Rep. Imelda Marcos, Capiz 2nd District Cong. Fredinil Castro at iba pa.