-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest na tumakbo bilang senador sa 2022 election si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan kabilang si Lucy sa senatorial line up nila ni Senator Panfilo Lacson.

Ang nasabing mambabatas ay bahagi ng PDP-Laban na kabilang sa listahan nina Lacson-Sotto tandem.

Magugunitang ibinunyag ni Lacson na tatakbo ito sa pagkapangulo habang vice president naman nito si Sotto.

Ipinakilala na rin ng dalawa ang kanilang senatorial line up.

Bukod kasi kay Torres-Gomez ay kasama rin daw sa listahan si dating Senador JV Ejercito, dating senador at ngayon ay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Richard Gordon, dating Senador Gringo Honasan, dating election Commissioner Gregorio Larrazabal, dating senador at ngayon ay Antique Rep. Loren Legarda, Sen. Joel Villanueva at Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri.