CENTRAL MINDANAO- Isang Mambabatas mula sa lalawigan ng Maguindanao ay nagpasa ng panukalang batas para taasan ang sahod ng mga bagong guro ng gobyerno mula P19,077 hanggang P36,409 buwan-buwan.
Sinabi ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael “Toto”Mangudadatu ang kanyang iminungkahing panukala, ang House Bill 3539, ay isang mabuting pamumuhunan para sa kalidad ng edukasyon na kinakailangan ng mga Pilipino sa buong bansa, lalo na ang mga mahihirap na bata sa mga liblib na lugar.
“I grew up in the barrios and have seen how teachers consecrated their life and honor to their profession, Those who work in troubled areas even put their lives on the line without complaining,They deserve an added premium for the good works,” ani Mangudadatu.
Ang mga bagong guro ng pampublikong paaralan ay nakakatanggap lamang ng suweldo ng government salary grade 11, or 19,077.
“It has to be upgraded from salary grade 11 to salary grade 19, or P36,409 monthly,” dagdag ng mambabatas.
Sinabi ni Mangudadatu na sinusubukan niyang kalampagin ang pangangailangan na dagdagan ang suweldo ng mga bagong guro kahit na siya ay gobernador pa ng Maguindanao para sa tatlong magkakasunod na termino na nag-umpisa mula Hunyo 30, 2010 hanggang Hunyo 30, 2019.
Ang panukala ni Mangudadatu, na kilala rin bilang “The Public School Teacher’s Salary Increase Act,” na dapat sakupin ang lahat ng mga kawani sa pagtuturo sa mga institusyon ng elementarya at sekondarya ng gobyerno sa bansa.