Pinatalsik na bilang miyembro ng limang makapangyarihang komite si SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta.
Inihayag ito ng Kamara de Representantives bago mag-break ang sesyon simula kahapon.
Inihain ni House Deputy Majority Leader at Iloilo City Rep. Jam Baronda ang pagpapalit kay Marcoleta mula sa Commission on Appointments (CA) at sa mga komite ng energy, justice, public accounts, at constitutional amendments.
Una na ring inalis si Marcoleta bilang vice chairman mg Committee on Good Governance and Public Accountability.
Inihalal naman ng mababang kapulungan si Manila Teachers partylist Rep. Virgilio Lacson upang palitan ang Sagip representative.
“Mr. Speaker, on the part of the majority, I move to nominate and elect to the Commission on Appointments, to the Committee on Energy, to the Committee on Justice, to the Committee on Public Accounts and (the Committee on) Consti Amendments Representative Virgilio Lacson vice Rep. Rodante Marcoleta, so move,” sabi ni Baronda.
“Is there any objection? The chair hears none, the motion is approved,” wika naman ni House Deputy Speaker at Cebu 5th District Representative Duke Frasco, na siyang namuno sa sesyon.
Matatandaan na isa si Marcoleta sa mga nagtanggol kay Vice President Sara Duterte nang imbitahan ng komite sa kuwestiyunableng paggastos ng pondo nito sa DepEd noong 2022 at sa OVP.