-- Advertisements --

Kinumpirma ni Sorsogon Representative Marie Bernadette Escudero na okay na okay na ang kalusugan ng kaniyang kapatid na si Senator Chiz Escudero.

Ayon kay Rep. Escudero, na-high blood ang kanyang kuya dala na rin marahil ng tinding init ng panahon.

Sabi ng Kongresista, umuwi ang kanyang Kuya sa Sorsogon dalawang linggo na ang nakararaan.

Dahil na-high blood ito ay agad na nagpadala pabalik ng Maynila sakay ng helicopter para magpa-check up.

Matatandaan, sa mga kumalat na balita, in-airlift si Senator Chiz mula Sorsogon hanggang dito sa Maynila kaya lumakas ang espekulasyon na malubha ang kanyang kalagayan.

Sa kanilang pag-uusap, hinimuk ni Escudero ang kanyang Kuya na magsalita sa publiko at ipaalam ang kanyang kondisyon.

Katuwiran ni Senator Chiz, hindi naman sya Presidente na kailangang mag-explain’ kung anong nangyayari sa kanya… isa lamang daw siyang Senador.