-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sinabi nito na natanggap niya ang resulta ng kaniyang swab test at lumabas na ito ay nagpositibo.

Rep Romualdez
Rep. Martin Romualdez/ FB photo

Nakatakda itong sumailalim sa pangalawang test para matiyak kung accurate ang resulta ng unang test nito.

Kasalukuyang naka-isolate ito at mahigpit itong binabantayan.

Umaasa na makakabalik agad para makapagtrabaho na sa House of Representatives.

Gayunman, naka-lockdown din ang Kamara dahil sa mga serye ng ilang staff din na nagpositibo sa virus.