-- Advertisements --
Nakatakang bumaba sa kaniyang puwesto si Rep. Mark Meadows para maging White House chief of staff.
Inaasahang ngayong Marso 31 ang pagbibitiw sa puwesto ni Meadows.
Naging malapit ang mambabatas nitong mga nagdaang araw kay Trump bilang bahagi ng transition period.
Siya na ang magiging pang-apat na chief of staff ni Trump na pumalit kay Mick Mulvaney na isang dating congressman.