-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Southern Leyte Rep. Roger Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasunod na rin ito nang pagbitiw sa puwesto ni dating DPWH Sec. Mark Villar para tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon.
Si Mercado ay nanumpa na sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Nabatid na si Mercado ay beterano na sa politika at kasalukuyang nagsisilbi bilang vice chairperson ng House committee on public works and highways.