-- Advertisements --
Nahalal bilang bagong US House Speaker si Republican Representatives Mike Johnson.
Nakakuha ito ng kabuuang 220 votes laban sa katunggali nitong Democrats na si Hakeem Jeffries na mayroong 209 na boto.
Ang 51-anyos na si Johnson ang papalit kay Kevin McCarthy na umalis sa puwesto noong Oktubre 3 dahil sa pakikipagsundo nito sa mga Democrats na kontra sa partial government shutdown.
Inihalal siya noong 2016 na siya ang itinuturing na may kaunting karanasan sa lahat ng mga naupong Speaker ng US.
Siya ang nag-author ng bigong apila ng 126 House Republicans na humirit ng pagbaligtad ng resulta ng halalan noong 2020.
Matapos na mahalal ay binati agad siya ni US President Joe Biden at sinabing simulan na ang pag-move on at gawin na ang trabaho.