Binigyang-diin ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V na dapat ding tuparin ng Senado ang kanilang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas at agad na aksyunan ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Dahil nakakapagsagawa naman sila ng pagdinig ngayong naka-recess ang sesyon.
Binigyang-diin ni Ortega ng Unang Distrito ng La Union na ang impeachment ay isang seryosong proseso na nangangailangan ng transparency, urgency, at impartiality.
Ayon sa Kongresista, nakasalalay ang kredibilidad ng mga institusyon ng gobyerno sa kanilang pangako na ipatupad ang pananagutan sa pamahalaan.
Bagamat kinikilala niya ang kapangyarihan ng Senado na magtakda ng sariling schedule, hinimok ni Ortega ang mga senador na ipakita ang parehong antas ng urgency sa paghawak ng impeachment case tulad ng ginagawa nila sa ibang mahahalagang usapin.
Tiniyak din ni Ortega na nananatiling tapat ang House of Representatives sa pagpapatibay ng rule of law at pagsunod sa lahat ng mga prosesong itinakda ng Konstitusyon.