Tinawag namang diversionary tactics ni Rep. Paolo Ortega ang mga ginagawang patutsada ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang press conference noong nakaraang linggo.
Sa turnover ceremony kanina ng mga dokumento mula sa quad-comm ay nagbigay ito ng kaniyang opinyon tungkol sa mga pahayag ng pangalawang pangulo sa patuloy na pagdinig ng quad-comm sa drug war, extra judicial killings at iba pa kung saan nababanggit ang pangalan ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilan pang mga personalidad mula sa dating administrasyon.
Aniya, lumalabas na “juicy” ang mga pahayag na ito ng opisyal dahil sa ginagawa niyang di umano’y diversionary tactics hinggil sa mga usapin na ito.
Sa kabilang banda, sinabi din ng solon na ginagawa lamang ng komite ang kanilang trabaho at kita naman daw aniya na sa simula pa lamang ay “evidence based” ang lahat ng inilalabas nilang mga katotohanan sa publiko.
Nang tanungin naman ang kongresista tungkol sa di umano’y rekomendasyon ng young guns na psychological assistance sa Bise Presidente, ito lamang aniya ay isang suhestiyon at wala naman daw aniya silang kapangyarihang magrekomenda.
Biro pa nga ng solon ay wala naman aniya siyang kilala at mukhang okay pa naman daw siya sa ngayon.
Samantala, batay naman daw sa mga naging interviews ni VP Sara ay kita naman umano ng taumbayan na mayroon aniyang “something wrong” sa kung paano ipahayag ng pangalawang pangulo ang mga saloobin nito sa publiko.