-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na kilala niya si dating Bureau of Customs (BOC) intelligence officer Jimmy Guban na nagdawit sa kaniyang pangalan ukol sa nawawalang shabu shipment na nakalagay sa magnetic lifters.

Sa pahayag na inilabas ng opisyal na hindi kilala si Guban at malamang hindi rin siya kilala nito.

Wala itong nakikitang rason na pagbantaan si Guban dahil ni minsan ay hindi nag-krus ang kanilang landas.

Sa ginawang quad-committee hearing kasi ay sinabi ni Guban na nagpadala ng tauhan si dating Environment Undersecretary Benny Antiporda at binantaan na may mangyayaring masama sa kaniya kapag idinawit si Duterte, ang bayaw nito ng si Atty. Manases Carpio at maging ang negosyanteng si Michael Yang na itinurong sangkot sa iligal na drug shipment noong 2018.