-- Advertisements --
Naghain ng panukalang batas si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na nagsusulong ng mandatory random drug test kada anim na buwan ang mga elected at appointed officials.
Nakasaad sa nasabing panukalang batas na maging ang pangulo ng bansa ay dapat sumailalim din sa drug testing.
Sa nasabing panukalang batas ay magsisimula ang ang nasabing random mandatory drug testing 90 araw bago ang halalan.
Sakaling mapatunayan na nagpositibo sa iligal na droga ay marapat na suspendihin o matanggal ito agad sa panunungkulan.