DAVAO CITY – Inihayag ni Presidential son at Davao City 1st District Representative Paolo Z. Duterte na siya lamang sa mga miyembro ng kanilang pamilya ang dadalo sa isasagawang state of the address (SONA) mamayang hapon.
Ayon kay Rep. Duterte na bilang isang kongresista, responsibilidad niya na dumalo sa nasabing aktibidad at kasama niya ang kanyang asawa na si January Duterte.
Una ng sinabi ng kanyang mga kapatid na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Vice Mayor Sebastian Duterte na hindi sila makakadalo ngunit binigyan na umano ng link ang alkalde para maging bahagi ito sa online.
Sinasabing limitado lamang ang live audience sa huling SONA dahil nananatili ang banta ng Covid-19 threat.
Nabatid na nasa 50 katao lamang ang pinapayagan sa loob ng Batasang Pambansa plenary hall kung saan 25 nito ang mula sa executive branch, 13 sa House of Representatives, at 12 mula sa Senate.
Samantalang ang iba pang mga opisyal, lawmakers, dignitaries, at iba pang mga guests ang ang dadalo lamang sa SONA 2020 sa pamamagitan ng online.
Sinasabing sa mga attendees, kailangan na sumailalim ang mga ito saRT-PCR test bago ang SONA at antigen test sa mismong araw ng event.