-- Advertisements --
PDP laban Pacquiao

Nanumpa na sa kanilang tungkulin sina Deputy Speakers Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Johnny Pimentel bilang bagong opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ang parehong mambabatas ay nanumpa sa kanilang puwesto kasama ang bagong pangulo ng PDP-Laban na si Senador Manny Pacquiao.

Si Gonzales ay napili bilang bise presidente ng PDP-Laban sa Luzon habang si Pimentel ay napiling regional president ng CARAGA.

Sa nasabing event, hinimok ni Pacquiao ang kaniyang mga kaalyado na iwasan ang anumang klase ng kurapsyon.

pacquiao pimentel PDP laban

Nakuha ng boxing champ at senador ang pagkapangulo ng partido noong Miyerkules habang si Speaker Lord Allan Velasco ay nahirang na executive vice president.

Kung maalala si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang tumatayong chairman ng PDP-Laban.