QUEZON CITY – Kasalukuyang naka-isolate na sa kanyang bahay House Deputy Speaker Johnny Pimentel matapos kumpirmahin na siya ay positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Pimentel na nalaman niya ito matapos na makuha ang resulta ng RT-PCR test na isinagawa sa kanya kahapon sa Kamara.
Ayon kay Pimentel, kagabi ng alas-11:30 na lamang niya nalaman ang resulta ng kanyang swab test.
Wala naman aniya siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19.
Si Pimentel ay isa sana sa 30 kongresista na dadalo ng personal sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula aniya sa kanilang bahay ay nagdiretso siya sa testing area sa Batasan Complex dakong alas-8:00 ng umaga kung saan siya ang unang kinunan ng swab.
Wala na anya siyang ibang nakausap maliban kina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at Zamboanga Rep. Divine Yu pero may halos dalawang metro ang layo.
Kasama sana si Pimentel sa dadalo sa SONA ng Pangulo mamayang hapon.
Narito ang listahan ng mga mambabatas na naimbitahan sa SONA:
- Speaker Alan Peter Cayetano
- Luis Raymund Villafuerte
- Martin Romualdez
- Jonathan Sy-Alvarado
- Bambol Tolentino
- Bienvenido Abante
- Eric Yap
- Elpidio Barzaga
- Janette Garin
- Michael Defensor
- Johnny Pimentel
- Robert Ace Barbers
- Secretary General Jose Luis Montales
- Deputy Secretary General Brian Raymund Yamsuan
- Sargeant-at-Arms Ramon Apolinario
- Divine Yu
- Lani Cayetano
- Chicoy Alvarez
- Dan Fernandez
- Rannie Abu
- Dong Gonzales
- Juan Miguel Arroyo
- Rodante Marcoleta
- Wes Gatchalian
- Jesus Crispin Remulla
- Lord Allan Velasco
- Claudine Diana Bautista
- Paolo Duterte
- JayJay Suarez