Nilinaw ni Quezon City Representative Patrick Michael Vargas na walang nawawalang pondo sa pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program sa 5th District ng Quezon City.
Batay sa communication letter na ipinadala nito sa Bombo Radyo Philippines, sinabi ng mambabatas na nilinaw na mismo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello na hindi totoo ang naturang akusasyon.
Aniya, ito ay batay na rin sa isinagawang imbestigasyon ng ahensya.
Giit ng mambabatas, ng pumutok ang umano’y anomalya noong 2021 ay kaagad na nilinaw mismo ni Sec. Bello na walang reklamo o anumang naka pending na reklamo hinggil sa isyu.
Ang TUPAD ay isang programa ng gobyerno na inisyatibo mismo ng DOLE na layong magbigay ng emergency employment sa mga displaced, marginalized, at disadvantaged workers.