-- Advertisements --

Inihayag ni Marikina Rep. Stella Quimbo na maghahain siya ng ethics complaint laban kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee.

Kasama ni Quimbo na maghain ng complaint si BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co.

Sa isang panayam sinabi ni Rep. Quimbo na tatapusin lamang niya ang filing ng COC at saka sila maghain ng ethics complaint.

Nakatakda sana ngayong araw maghain ng ethics complaint ang dalawang babaeng mambabatas subalit kinansela ito.

Ayon kay Quimbo mayroong ipinadalang “apology letter” ang kasamahang kongresista, ngunit para sa kaniya, parang sapilitan lamang ito.

Aminado ang senior vice-chair ng appropriations committee na napatago siya sa likod ng podium dahil sa takot sa maaaring gawin ni Lee nang sugurin sila ng co-budget sponsor na si BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co.

Ipinaliwanag naman ni Quimbo ang dahil kung bakit napaupo siya sa podium dahil iniiwasan niya sakaling i-assault sila ng mambabatas.

Personal nang humingi ng paumanhin si Lee kay Co nang magkita sa Tent City kung saan naghahain ng COC ang mga senador at party-list representstives.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pahayag ang kampo ni Lee tungkol sa insidente at sa planong ethics complaint laban sa kaniya.