-- Advertisements --

Nakiisa si Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo sa isang kilos protesta sa kasama ang mga senior citizens Senado kahapon, January 20,2025. Isinusulong ni Quimbo na maipasa ang Universal Social Pension for Senior Citizens Act, isang panukalang batas na dinisenyo upang matiyak ang seguridad sa kita ng lahat ng mga senior citizen na Pilipino.

Libu libong senior citizens at kanilang mga tagapagtaguyod ang dumalo sa rally upang i highlight ang mga hamon sa pananalapi na kinakaharap ng pagtanda ng populasyon sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Representative Quimbo ang kahalagahan ng pagpasa ng panukalang batas na naaprubahan na ng Kamara de Representantes ngunit hindi pa ito sumusulong sa Senado.

Layunin ng nasabing rally na himukin ang mga senador na unahin ang batas na naglalayong magtatag ng universal coverage sa pamamagitan ng pagbibigay ng garantisadong buwanang pensyon sa bawat Pilipinong may edad 60 pataas.

Si Quimbo ang kasalukuyang acting chairperson ng House Committee on Appropriations ng House of Representatives.

“The Universal Social Pension Act is about fairness and dignity. It ensures that no Filipino senior is left behind, regardless of their economic status. This is our way of giving back to those who have contributed so much to society,” pahayag ni Representative Quimbo.
Ang panukalang batas ay naglalayong tugunan ang mga kritikal na agwat sa kasalukuyang sistema sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act (RA 9994).

Batay sa kasalukuyang framework, naglilimita ito sa pension eligibility sa mga sa mga indigent seniors.

Ang exclusionary provision na ito ay nag iiwan ng milyun milyong matatandang Pilipino na maaaring hindi nakakatugon sa pamantayan para sa indigence ngunit nahaharap pa rin sa kahirapan sa pananalapi nang walang access sa kinakailangang suporta.

Sa 4.085 milyong seniors na nakalista sa ilalim ng DSWD social pension program, 783,000 lamang ang nakatanggap ng payout dahil sa logistical delays at mga isyu sa pagsunod ng LGU sa liquidation processes.

Kabilang sa mga pangunahing probisyon ng panukalang batas ang awtomatikong pagiging karapat dapat sa pensiyon para sa lahat ng mga Pilipinong may edad 60 pataas, mahusay na mekanismo ng pamamahagi na walang bayad sa transaksyon, at mga probisyon upang matiyak na ang pondo ay ginagamit nang mahusay at nai roll over kapag hindi nagamit.

Binigyang-diin ni Representative Quimbo ang kahalagahan sa pagtugon sa mga kakulangan sa pamamagitan ng universal pension coverage.

“This bill is not just about numbers; it’s about lives. Our seniors deserve to retire with dignity and the financial means to meet their basic needs,” pahayag ni Rep. Quimbo.