CAUAYAN CITY – Tiyak na ang pag-upo ni incumbent Rep. Rodito Albano ng Isabela na bagong gobernador ng Isabela matapos makamit ang landslide victory sa kanyang 570,103 votes laban sa kanyang nakatunggali na si Tony Aliangan na may 20,834 votes batay sa partial and unofficial results.
Sa pagka-bise gobernador ay tiyak na rin ang panalo ni incumbent governor Faustino “Bojie†Dy III na may 477,806 votes ng kontra sa kanyang katunggali na si dating lady governor at dating Comelec Commissioner Grace Padaca na may 165,189 votes.
Samantala, sa pagka-congressman ay nangunguna sa 1st district si incumbent Vice Governor Tonypet Albano na may 153,514 votes habang ang katunggali na si Alfonso Singson ay may 8,219.
Sa 2nd district ay nangunguna si incumbent Board Member Ed Christopher Go na may 56,949 votes kontra sa katunggali na si dating Gamu Mayor Fernando Cumigad na may 14,786 votes.
Sa 3rd district ay nangunguna si incumbent Alicia Mayor Ian Dy na may 77,853 votes habang ang katunggali na si Bong Siquian ay 28,317 votes.
Sa 4th district ay nangunguna si Atty. Sheena Tan na may 72,747 votes habang ang katunggali na si dating Congressman Giorgidi Aggabao na may 54,793 votes.
Sa 5th district ay nangunguna si incumbent San Manuel Mayor Faustino Michael Dy na may 80,031 votes habang ang katunggali na si dating Rep. Edwin Uy ay may 38,984 votes.
Sa 6th district nangunguna naman si incumbent Liga ng mga Barangay National President Inno Dy na may 103,774 votes habang si Abraham Lim ay 9,737 votes.
Ang canvassing ng resulta ng halalan sa pagka-gobernador, pagka-bise gobernador at pagka-congressman ng anim na distrito ng Isabela ay itutuloy pa rin matapos mag-recess kagabi ang Provincial Board of Canvassers.