ILOILO CITY – Hindi sang-ayon ang Vice- Chairman ng House Committee on Justice na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na muling buhayin ang death penalty sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rodriguez, sinabi nito na ang death penalty ay maihahalintulad sa pagtalikod ng Pilipinas sa international obligations.
Ayon kay Rodriguez, isa ang Pilipinas sa mga lumagda sa second protocol ng International Covenant on Civil and Political Rights na buwagin ang death penalty.
Tinawag rin ni Rodriguez na hipokrito ang gobyerno ng Pilipinas sakaling ibalik ang death penalty habang ginagawan ng solusyon kung paano maisasalba ang mga Overseas Filipino Workers na nasa death row.
Maliban dito, maapektuhan rin ang ekonomiya ng Pilipinas sakaling umatras sa pagbibigay ng special treatment at prebilihiyo ang mga bansang kasama na lumagda sa International Covenant on Civil and Political Rights.