-- Advertisements --
MARTIN RUMUALDEZ BONG REVILLA

Susuportahan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leyte Rep. Martin Romualdez kung may plano itong tumakbo bilang bise presidente sa 2022.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inihayag ito ni Pangulong Duterte kagabi sa isang panayam sa MalacaƱang.

Hindi naman sinagot ni Sec. Panelo kung sino naman ang gusto nitong papalit sa kanya sa 2022.

Si Romualdez ng partidong Lakas ang isa mga kaalyado ni Pangulong Duterte na nagpahayag na nais umupo bilang House Speaker.

Pero iniendorso na ni Pangulong Duterte ang term-sharing nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco habang nais naman niyang umupo si Romualdez bilang Majority Floor Leader.