-- Advertisements --

Ikinagalak ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang pagbaba ng presyo ng bigas ng halos 5percent year on year.

Ayon sa ekonomistang mambabatas magandang senyales din ang pagbagal ng inflation sa 2.1 percent nuong buwan ng February.

Sinabi ni Salceda, senyales din ito na dapat ipagpapatuloy ang rate cuts at ipursige ang mas agresibong expansionary stance sa fiscal side.

Mahalaga din ayon sa house tax chief ang mga supply-affirming initiatives gaya ng farm inputs at logistics improvements na malaking tulong sa mga magsasaka.

Sinabi ni Salceda na kapag maisaayos ang mga agricultural infrastructure, magkaroon ng mga storage facilities ang mga nasa vegetable sector ang makikinabang dito at magkakaroon na ng food security sa bansa.

Naniniwala si Salceda na kailangan din ng bansa ang mas maraming daungan at mas murang inter-island trade.

Dahil dito, dapat din aniyang tingnan ang pagpapawalang-bisa sa mga probisyon ng Cabotage Law na nagbabawal sa mga dayuhang kumpanya ng pagpapadala ng mga goods sa pamamagitan ng Philippine inter-island trade.

Aniya Dapat din tingnan ang mabilis na lumalalang sektor ng pagkuha ng isda at tingnan kung paano ito gagawing mas napapanatiling sa pamamagitan ng aquaculture.

Hangad din ng mambabatas na bago magwakas ang administrasyon, kailangang masimulan na rin ang programang High Standard Highway Network upang lumikha ng backbone ng transportasyon sa kalsada para sa bansa.

Aniya dapat ding pondohan ang riles ng Bicol.