-- Advertisements --

Muling binigyang-diin ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na mananatili ang kaniyang posisyon na maging UNESCO Biosphere Reserve ang Bulkang Mayon at patuloy din nitong isusulong ang application para maging UNESCO World Heritage Site ang Albay.

” As the one who lead the UNESCO Biosphere Reserve Declaration for Mayon, my position remains consistent:protect that status and keep our UNESCO World Heritage Site application alive. Any Project must that into the highest account,” pahayag ni Rep. Salceda.

Ipinagmalaki ng ekonomistang mambabatas na sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang gobernador nuon ang Albay ay naging UNESCO World Biosphere Reserve na isa sa tatlo lamang sa Pilipinas kaya dapat lamang ito manatili.

Ayon kay Salceda kaniya din sinimulan ang proseso para maging UNESCO World Heritage Site ito.

Sinabi ng mambabatas, kaniya din trinabaho ang pagkakaroon ng staff ng Albay Biosphere Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bicol.