Pinangunahan ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang nasa mahigit 200 na mga mambabatas sa paghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kinumpirma ng isang mapagkakatiwalaang source matapos kumpirmahin ni House Secretary General Reginald Velasco na may naghain ng ika-apat na impeachment complaint na may sapat na bilang para isulong ang impeachment complaint.
Sakali uusad ang impeachment complaint si VP Sara ang kauna-unahang Vice President ng bansa sa kasaysayan ang ma-impeached.
Una ng sinabi ni Sec Gen Velasco na may sapat na bilang para ma impeach si VP Sara
Kailangan lamang ng one-third votes para ma-impeached ang isang opisyal.
Sa ngayon nasa 206 na mga mambabatas ang bumuto para ma-impeach si VP Sara.
Kung maalala, nagalit si Rep. Marcos sa naging pahayag ni VP Sara na huhukayin nito ang labi ng kaniyang lolo at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).