Kinumpirma ng liderato ng House Committee on Ethics and Privileges na kanilang bibigyan ng ng sapat na panahon si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. para tumugon sa ipinadalang liham bago muling magpulong para sa gagawing susunod na hakbang.
Ayon kay Ethics Committee chairman at COOP-NATCCO party-list Rep. Felimon Espares, binigyang ng 10 araw si Teves para tumugon sa ipinadala nilang komunikasyon.
Sinabi ni Espares, matapos ang 10 araw na palugit muling magpupulong ang komite para talakayin ang susunod na magiging hakbang hinggil sa kaso ni Teves.
Sa gagawing pagpupulong ng Komite, tatalakayin na kung ano ang ipapataw na sanction sa mambabatas dahil sa patuloy na pananatili sa labas ng bansa sa kabila ng expired na travel authority.
Muling magrerekumenda ang Komite ng mga bagong penalty laban sa mambabatas na aaprubahan sa plenaryo.
Nuong August 1,2023 huling nagpulong ang komite para i-acquire ang jurisdiction sa pagdinig ng kaso ni Teves.