-- Advertisements --
REP ANTONIO TINIO
REP. ANTONIO TINO/ FB POST

Pumalag ang isang makakaliwang kongresista sa posisyon ng Malacanang hinggil sa panawagan na taasan na ang sahod ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan.

Sa isang pulong balitaan sa Kamara, kinontra ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang pahayag ng Malacanang na kailangan pang hanapan ng pondo ang pay hike ng mga guro.

Iginiit ni Tinio na kung hindi sana na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P95 billion pondo na kasama sa 2019 budget, dito na sana kukunin ang pandagdag sa sahod ng mga pampublikong guro.

Sinabi ng kongresista na marapat lang na gawing batayan ang entry level ng mga pulis at militar na P30,000 kada buwan sa magiging buwanang sahod ng mga guro.

Matagal na aniya itong pangako ng Pangulo kaya dapat na rin nitong tuparin ito.