-- Advertisements --

Nagpasa ng panukalang batas sa Kongreso si Maguindanao 2nd District Rep. Esmael Toto Mangudadatu na naghihikayat sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa bansa na maglaan ng lugar para sa mga Filipino Muslim cemeteries.

Ayon kay Mangudadatu, iniharap niya ang House Bill No. 9589 upang hikayatin nito ang LGU na maglaan ng lupain para gawing public Muslim cemetery.

Si Mangudadatu ngayon ang vice chairman ng committees on Mindanao Affairs and Local Government.

Dagdag ng opisyal, hirap ang mga Muslim sa ilang lugar na walang Muslim cemetery dahil 24 oras lang ang panahon na makapaghanap sila ng libingan.

Ikinatuwa naman ng Muslim community sa bansa ang panukala ni Mangudadatu.

Sa lungsod ng Maynila binuksan na rin doon ang bagong sementeryo para sa mga kababayang Muslims.