TACLOBAN CITY – Plano ni Leyte 3rd District Representative at dating Court of Appeals Justice Cong. Vicente “Ching” Veloso na maghain ng panukala na mag-aamiyenda sa Article 70 ng Revised Penal Code.
Ito ay kaugnay sa naireport na posibleng pagpapalaya kay dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted murderer at rapist na mariing tinututulan ng naturang kongresista.
Ayon kay Cong. Veloso, dapat na alamin kung paano ang ginawang implementasyon ng RA 10592 o Good Conduct Time Allowance kay Sanchez gayong hindi naman nito saklaw ang mga nakagawa ng heinous crimes.
Suportado din nito ang pagiging bukas sa pagharap sa Senado ng dating hukom na nagconvict at nagpataw ng life sentence kay Sanchez na si Harriet Demetriou.
Bukas rin ang naturang kongresista na ipatawag ang nasabing hukom kasabay sa kanyang planong paghain ng panukalay na amiyendahan ang Article 70 ng Revised Penal Code.
Binigyang diin ni Veloso na nararapat lang na magkaroon ng amendents dito dahil sa threefold rule sa life sentence kung saan wala nang nagiging pagkakaiba ang convict na pinatawan nga isang life imprisonment at convict kagaya kay Sanchez na pinatawan ng 9 life imprisonment.