-- Advertisements --

Hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa 2022 elections si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Sinabi ito ni Santos-Recto kasunod ng aniya’y “careful consideration” sa kasalukuyang sitwasyon kabilang na ang mga limitasyon sa pangangampanya bunsod ng pandemya.

Sa kabila nito, sinabi ng kongresista na patuloy pa rin naman siyang maglilingkod sa publiko sa kanyang sariling kapasidad.

Nagpapasalamat naman siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at naniwala sa kanya sa mahigit 23 taon na nasa gobyerno.

Sa kasalukuyan, si Santos-Recto ay kongresista ng ika-anim na distrito ng Batangas.

Nauna nang napabalita na balak niya sanang tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.