-- Advertisements --

Suportado ni Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukala ng Department of Justice (DOJ) na pag-isahin ang operasyon ng penal institutions ng bansa na layong i-decongest ang overpopulated na mga detention facilities at i-convert ang mga ito bilang rehabilitation places para sa mga persons deprived of liberty (PDLs).

Naniniwala si Yamsuan ang posibleng merger ng BuCor at BJMP ay mas magiging episyente at may accountability sa pamamahala sa correctional system ng bansa.

Layon ng DOJ sa kanilang panukala na i-integrate ang operasyon ng detention and penal facilities ng bansa na isa sa mga hakbang para magkaroon ng reporma sa correctional system ng bansa.

Sa ngayon kasi nasa pangagalaga ng DILG ang operasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang ang Bureau of Corrections (BuCor), ang siyang nagsu-supervise sa penal facilities sa buong bansa para sa mga convicted persons.

Ayon kay Yamsuan, ang plano ng DOJ ang pagsasanib ng dalawang ahensya ay makakatulong sa pag streamline ng mga resource allocation upang matiyak ang sapat na pondo para sa bawat detention facility sa bansa.

Ang panawagan ni Yamsuan para sa malawakang reporma sa sistemang koreksyonal sa bansa ay nakakuha ng suporta ng mga kapwa mambabatas sa Kamara de Representantes.

Sa nakatakdang pagtatapos ng 19th Congress sa July 27, 2025, wala nang panahon para mag deliberate at magpasa ng panukala.

Kailangang i refile sa susunod na Kongreso ang panukalang batas ni Yamsuan.

Si Yamsuan, na nagmungkahi ng HB 8672 bilang kinatawan ng Bicol Saro Partylist sa 19th Congress, ay sumumpa na muling ihain ang panukalang batas kapag nagtagumpay siyang makasiguro ng puwesto sa kongreso bilang kinatawan ng 2nd District ng Parañaque sa May midterm elections.

Binisita ni Yamsuan ang Parañaque City Jail, na base sa pinakahuling available data ng BJMP, ay isa sa mga pinaka masikip na detention facility sa bansa.