BAGUIO CITY – Nakahanda si ACT-CIS Partylist Representative at Benguet Caretaker Eric Go Yap na sumama sa sinumang indibidual na makukulong dahil lamang sa pagpapahayag ng mga ito ng kanilang hinaing laban sa gobyerno.
Ito ang pahayag ni Yap dahil sa pangamba ng ilang gurpo na posibleng maabuso ang implementason ng Anti-Terror Bill sakaling ito ay magiging ganap na batas.
Tiniyak ng mambabatas na hindi basta-basta ito maaabuso dahil mayroon itong mga safety measures.
Dagdag pa nito na ang mga terorista lamang ang dapat matakot dito dahil malaya pa rin ang sinuman na magprotesta laban sa gobyerno.
Dahil dito, hiniling ng opisyal sa mga mamamayan na huwag silang matakot dahil walang katotohanan ang pangamba ng ilan na ito ay laban sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.
Sinabi nito na ang nasabing bill ay naayon sa kagustuhan ni Presidente Rodrigo Duterte na maging maayos at ligtas ang pamumuhay bawat mamamayan lalo na ang mga kabataan laban sa terorismo.