Umabot na sa higit 2,800 mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nai-repatriate na ng Department of Migrant Workers mula sa bansang Lebanon.
Kung saan patuloy itong nadaragdagan matapos makabalik muli sa Pilipinas ang 52 OFWs kasama ang 4 na dependents.
Ayon sa isang isinapublikong pahayag ng kagawaran, ang mga Pilipinong manggagawa na ito ay boluntaryong dumulog at humingi ng tulong sa kanilang tanggapan.
Kung saan ninais nilang makinabang sa repatriation program ng DMW dahil sa alitan ng Hamas at Israel na nagsimula noong taong 2023 pa.
Kaya naman ang naturang kagawaran katuwang ang ilan pnang ahensiya ay naghatid ng agarang pinasyal, medikal, at pangkabuhayang tulong para sa mga repatriates.
Dagdag pa rito, magbibigay din ng reintegration support ang Department of Migrant Workers mula sa National Reintegration Center for OFWs upang maseguro na magiging produktibo pa rin sila pagbalik sa kani-kanilang komunidad.