-- Advertisements --

Sinimulan na ang pagproseso para sa repatriation ng mga labi ng 3 overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa sunog sa isang gusali sa Kuwait.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnel Ignacio, maagp sila sa pagtugon sa paangangailangan ng mga Pilipinong naapektuhan sa insidente.

Maalala na una ng kinumpirma ni Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na nasawi ang 3 OFWs mula sa smoke inhalation.

Bahagi ang 3 biktima sa 11 OFWs na nagtratrabaho sa iisang Kuwaiti construction company na naninirahan sa nasunog na gusali.

Nasa 2 pang OFWs ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon habang ang nalalabing 6 naman ay ligtas at hindi nasaktan sa insidente.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog na ikinasawi ng kabuuang 49 na katao.