-- Advertisements --
libya cato ofw
Philippine Ambassador to Libya Elmer Cato with young repatriates

Iniulat ngayon ni Philippine Ambassador to Libya Elmer Cato na umaabot na sa kabuuang 149 na mga OFW ang kanilang napabalik ng Pilipinas mula nang sumiklab ang civil war sa naturang bansa.

Kinumpirma ni Cato sa kanyang social media account na Twitter na pinakahuling natulungan nila kasama ang DFA at DOLE ay ang pito pang mga kababayan.

Kabilang na aniya rito ang 10-anyos na si Hizham Asmad, ang kapatid na pitong taon lamang na si Nashreen at mga magulang.

Ang hakbang ni Ambassador Cato at embahada ng Pilipinas na tulungan ang mga OFW sa voluntary repatriation ay bunsod na hindi pa rin humuhupa ang panganib para sa mga OFW na maipit sa labanan lalo na sa capital na Tripoli.

“10-year-old Hizham Asmad and his seven-year-old sister Nashreen and their parents are among the seven Filipinos being repatriated from Tripoli today by @PhinLibya. This brings to 149 the total number of Filipinos flown home by @DFAPHL and @doleph since April.”