Muling ipinagpaliban ang repatriation sa mga Pilipino sa Lebanon matapos na kanselahin ang mga biyahe kasunod ng mga serye ng pagsabog sa kabisera ng Beirut.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Migrant Workers na muling inilipat sa Oktubre 11 ang repatriation sa 15 overseas Filipino workers kasama ang isang may medical condition.
Ang natitirang 12 OFWS ay kasamang mare-repatriate ng 17 iba pang OFWs na nakatakdang iuwi sa PH sa Oktubre 22.
Kasalukuyang inaasikaso na rin ng Migrant Workers Office sa Beirut ang repatriation ng karagdagan pang 63 OFWs na mayroon ng kumpletong dokumentasyon at clearance para umalis ng Lebanon.
Nag-aantay naman ang nasa mahigit 100 pang OFWs na mabigyan ng clearance mula sa immigration authority bago sila marepariate.