-- Advertisements --
Beverly 3
Maguindanao

CENTRAL MINDANAO-Sa pagkakataong ito ay nagmula sa kanilang sariling pamumuhunan at bulsa at hindi mula sa local emergency funds.

Ang mga bayan ng Maguindanao sa ikalawang distrito ng lalawigan ay abala sa pagtanggap at paghahatid ng mga produktong sakahan karga ng mga trak ng toneladang Tilapia at manok sa mga maralitang residente na apektado ng national health emergency.

Ang tulong na ito ay nagmula kay Maguindanao 2nd District Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu sa kanilang Tilapia Farm sa lawa ng Buluan at dressed chicken farm from Second district Board Member King Jhazzer Mangudadatu sa Halal poultry and dressing plant sa bayan ng Buluan.

The “out of the pocket expenditures” of the father-and-son relief giving mission ay tinawag na “Kadtabanga Operation,” a part of their “Sadaka” (giving back of blessings).

“With the crisis we are facing now, we hope these humble gifts will help our constituents as they battle against the brunt of crisis,” ani Mangudadatu.

Ang mga binigyan ng tilapia at manok ay mga frontliners kabilang ang mga barangay tanod, social community workers, security workers, barangay health worker at pinakamahirap na pamilya kabilang ang mga taong may kapansanan (PWD) at matatanda.